our blogs
Palayain ang mga Kwento: Mula sa Metro Patungo sa Masang Pilipino
What's new
.jpg)
Palayain ang mga Kwento: Mula sa Metro Patungo sa Masang Pilipino
Zooz Paraso
Ngayong opisyal nang nagtapos ang Cinemalaya 22: Reel Reflections, isang matinding panawagan ang tila buhay pa rin sa mga manonood: Oras na para hindi lamang sa social media at balita naririnig at nakikilala ang Cinemalaya.
Tama sila. Ang mga pelikulang ito ay hindi lamang dapat napapanood sa Metro Manila subalit maging sa buong bansa—para abutin ang mga Pilipino, usigin ang mga nasa kapangyarihan, gisingin ang mga mamamayan, at bigyan ng kamalayan ang komunidad. Sa pagtatagpi ng mga kwento ng lipunan mula sa film festival, isang sentrong mensahe ang malinaw na lumutang na nagtatahi sa mga naratibo ng taon: "Sa panahong ito, hindi na lang tayo dapat ang nakakaalam."
.jpg)
Isang perpektong halimbawa ng mensaheng ito ay ang pelikulang Tayo Lang Ang Nakakaalam ni Direk David Corpuz. Hango sa isang sanaysay na nagwagi ng Palanca Award, sumisid ang pelikula sa lalim ng isang relationship at ang pagluluksa na kadalasan ay hindi kinikilala o hindi naiintindihan ng lipunan. Ipinakita rito ang isang malungkot na reyalidad kung saan ang pagtanggap sa loob ng pamilya ay hindi sumasalamin sa lipunang ating ginagalawan.
Ngunit higit sa personal na pagluluksa, binuksan ng pelikula ang pinto sa mahabang pananaliksik patungkol sa HIV. Ayon sa eksperto, Pilipinas pa rin ang may pinakamataas na kaso ng HIV sa Asya at Pasipiko. Ang nakalulungkot dito, madalas nakikita lamang ito bilang isang 'biomedical issue', ngunit ipinakita ng pelikula na ito ay isang isyung sosyal, pinansyal, at balot ng stigma na nakaaapekto sa pamilya at mga kaibigan.
.jpg)
Binanggit din sa Talkback Session ng pelikula na ngayong 2026, napakalawak na ng access sa impormasyon at treatment, lalo na sa tulong ng mga kampanya gaya ng "U=U" (Undetectable = Untransmittable) ng Love Yourself. Dahil dito, isinusulong ng produksyon ang community screenings upang hindi makulong ang boses at kwento ng pelikula sa espasyo lamang ng film festival.
Maging ang mga aktor na sina Miguel Odron, Martin Del Rosario, at Ms. Yayo Aguila ay ibinuhos ang lahat ng layer at emosyon ng kanilang mga karakter upang maiparamdam ang bigat ng pinagdadaanan ng mga apektado nito. Napagtanto nilang bilang mga aktor, mayroon silang responsibilidad na hindi lamang makwento ang pelikula, kundi maisapuso ang immersyon sa komunidad bago pa man simulan ang pag-arte.
.jpg)
Ang temang ito ng pagtuklas sa mga nakakubling sikreto at moralidad ay siya ring mensahe sa pelikulang Tirik. Sa ilalim ng direksyon ni Direk May-i Guia Padilla, ang pelikula ay isang "road movie" na tumalakay sa kwento nina Father Burt at Santos Mira, na sa bawat pagtirik ng kandila ay may mga buhay na nais ipaalala at mayroong kaakibat na timbang ang bawat desisyon.
Sa mahusay na pag-arte ng mga aktor na sina Rocco Nacino at Floyd Tena, nag-iwan ng isang matinding payoff ang dulo ng pelikula. Ayon sa kwentista at aktor na si Glenn Mas, ang pinakamahalagang kaisipang iniwan ng Tirik para sa kanya ay: "Sa klase ng mundong meron tayo ngayon na ang gulo-gulo, 'yung simbahan na 'yung lumalapit sa tao."
.jpg)
Malinaw ang panawagan: ang pagluluksa, ang patuloy na stigma sa HIV, ang kumplikadong relasyon ng pamilya at lipunan, at ang mga isyung moral at panlipunan—lahat ng ito ay hindi dapat nananatili sa kapital. Panahon na upang dalhin ang mga pelikulang ito sa kamalayan ng bawat Pilipino.
They must reach the common Filipino to break the stigma, shake the comfortable out of their apathy, and wake the Filipino people to the realities we share.
Sa panahong ito ng patuloy na pagbabago, hindi na lang tayo dapat ang nakakaalam!

.png)


.png)







.jpg)

.png)




.png)

.png)



.png)
.png)


.png)

%20(1).jpg)

-min.png)

.jpg)






.jpg)


.png)

.png)

.png)



.jpg)


.jpg)
.png)
.png)


